


Ang Marso ay Rabies Awareness Month alinsunod sa Rep. Act 9482 na nilagdaan sa batas noong Mayo 25, 2007. Ito ay naglalayong mapalakas ang kamalayan sa pag-iwas, pagkontrol at pamamahala sa rabies. Ang tema ngayong taon na "Rabies ay iwasan, alagang aso’t pusa ay pabakunahan " ay hinikayat ang lahat na maging responsablen tagapag-alaga ng hayop. Kumonsulta sa mga Animal Bite Treatment Center kapag nakagat o nakalmot ng mga alaga at bumisita sa mga Provincila/City/Municipal Veterinary Office para sa bakuna ng mga alaga.










