MENU
covid 19 information iconCOVID-19 INFORMATION
Ikalawang linggo na ng Barangayang Suyod Bakunahan

Ikalawang linggo na ng Barangayang Suyod Bakunahan! Patuloy ang pagiikot ng ating health care workers sa iba't ibang parte ng Bicol Region upang magbakuna ng COVID-19 booster shots at routine immunization.

Patuloy ang paghihikayat ng DOH Bicol CHD sa lahat na samantalahin ang pagkakataon na magpabakuna na laban sa COVID-19!


Bakunahan sa sementeryo

Bakunahan sa sementeryo!

Patuloy ang pagbabakuna kahit Araw ng mga Patay sa Iriga City, Camarines Sur kahapon, November 1, 2022.

Ngayong papalapit ang new normal, siguruhin ang proteksyon laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagpapabooster.

Sa mas pinalakas ng kampanya laban sa COVID-19, ang mga bakuna ay inilalapit sa atin!

Sa boosters, PinasLakas!


Nagsagawa ng bakunahan sa Brgy hall Buenasuerte Pio V Corpuz Masbate CSC para sa dagdag proteksyon laban sa COVID 19

Umabot sa kabuuan na siyam na raan apatnapu’t walo (948) ang nabakunahan ngayong araw lamang sa Ligao National High school (LNHS), Bicol Regional Science High school (BRSHS), Tula-tula cockpit arena, at Old Ligao City Hall. Ito ay ayon sa report ng deployed Relief International (RI) Vaccination Team sa Albay.

745 ang nabakunahan sa Ligao National High School, 114 sa Bicol Regional Science High school, 65 sa Tula-tula Cockpit arena, at 24 sa Old Ligao City Hall.

Isang malaking pagpupugay sa lahat na frontliners na walang sawang naglalaan ng kanilang serbisyo masiguro lang na ang bawat mamamayan ay may dagdag na proteksyon laban sa COVID-19!

Tuluy-tuloy parin ang Bayanihan bakunahan hanggang bukas, Oktubre 1, 2022. Kaya tara na! Magpabakuna na!

Sa mas Pinalakas na Kampanya kontra COVID-19, ang mga bakuna ay inilalapit sa atin!

Sa boosters, Pinaslakas!


Para mapanatag magpabakuna

Para mapanatag, magpabakuna! 💪🏻

Makakatulong ang bakuna para makaiwas sa sakit tulad ng COVID-19, pneumococcal diseases, at flu. Mga lolo at lola, maaaring kumonsulta sa inyong primary care provider o sa pinakamalapit na health centers para makakuha ng karagdagang impormasyon.

Para tuloy-tuloy ang bonding with the family, siguruhin na may panlaban ka sa sakit! 💚


Mas ligtas ang pamamalengke kapag bakunado ka

Mas ligtas ang pamamalengke kapag bakunado ka!

Nagsagawa ng bakunahan sa Market Site Poblacion, Cataingan, Masbate (CSC) upang maiwasan ang sakit na COVID-19.

Bukod sa ating sarili,bigyang proteksyon ang ating mga mahal sa buhay sa paraan ng pagpapabakuna.

Patuloy pa rin ang bakunahan matapos ang Special Vaccination Days!

Sa mas Pinalakas na Kampanya laban sa COVID-19, ang mga bakuna ay inilalapit sa atin!

Sa boosters, Pinaslakas!