
Bakunahang Bayan sa Bagumbayan Central School
Ngayong huling araw ng Bakunahang Bayan, binisita ni Dr. Ernie V. Vera, DOH Bicol CHD Regional Director, ang isinagawang bakunahan ng City Health Office of Legazpi sa Washington Covered Court, Bagumbayan Central School, Legazpi City, Albay.
Nagbigay-suporta sa nasabing bakunahan si RD Vera sa pamamagitan ng pagbigay ng mensahe sa mga nagpapabakuna at sa vaccination team. Isa rin sa mga nagbakuna ay ang City Health Officer ng Legazpi na si Dr. Fulbert Gillego.
Kasabay ng COVID-19 vaccination ay mayroon ding Routine Immunization sa nasabing lugar upang maiwasan ang mga sakit tulad ng measles, mumps, at rubella.
Hinikayat ni Dr. Vera ang lahat, lalo na ang mga senior citizens at kabataan na magpabakuna na sa mas madaling panahon para sa kalusugan ng sarili at ng pamilya.
Makilahok sa #BakunahangBayan para sa biyayang proteksyon sa paskong pilipino!