MENU
vaccine iconHEALTH EVENTS
Leptospiros

Taliwas sa kaalaman ng nakararami, hindi lamang sa ihi ng daga nagmumula ang bakterya na nagdudulot ng Leptospirosis.

Kung kaya’t ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ay ang pangunahing sandata upang maiwasan ang sakit na dulot ng bakteryang ito.

Narito ang ilan pang impormasyon na dapat nating malaman upang tayo ay makasigurado sa proteksyon ng pamilya laban sa Leptospirosis → Leptospirosis

#DOH #Advisory #WILD #Leptospirosis #Health #KagawaranNgKalusugan #OneDOH #SerbisyongSaludBikolnon


Malaria__Filariasis_Awareness_Month

Sa buwan ng Malaria at Filariasis month, maging bahagi sa pagkamit ng ligtas na lipunan sa ating tema: Prevention, Early Detection, and Prompt Treatment for Malaria and Filariasis Free Philippines by 2030.

Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran at alisin ang mga pinamumugaran ng lamok. Para sa karagdagang impormasyon KonsulTayo sa Eksperto sa pinakamalapit Primary Care Provider sa inyong lugar

#konsultayo #HealthyPilipinas #DOHBicol #SerbisyongSaludBikolnon


National_Food_Fortification_Day

“Bilang dagdag panangga laban sa micronutrient deficiency, minamandato ng Food Fortification Law ang pagdagdag ng bitamina sa iba’t ibang produktong pagkain tulad ng kanin, asin, asukal, at harina. 💪 Para siguradong kumpleto at sapat ang nutrients na binibigay mo sa iyong katawan, sundin ang Pinggang Pinoy! 🍽”

#HealthyPilipinas #MoveMore #EatRight #NutritionMonth


Lung_Cancer_Awareness_Month

“Iwasan ang peligro ng cancer 😷. Tandaan healthy LUNGS, is our responsibility!”

L - layuan ang Yosi, vaping at iba pang tobacco products

U - ugaliing maging aktibo at magexercise

N - nourish your body with a healthy diet

G - go for fresh air, iwasan ang polusyon

S - seek vaccination and early consultation sa Primary Care Providers

Ipagmalaki ang malusog na paghinga, Hingang ginhawa kapag healthy lungs and buong pamilya! Itigil ang bisyo at layuan ang alak, yosi, vape at iba pang tobacco products!

Para sa karagdagang impormasyon KonsulTayo sa Eksperto, ang Primary Care Provider Mo.

#konsultayo #HealthyPilipinas #DOHBicol #SerbisyongSaludBikolnon


June is Dengue Awareness Month

June is Dengue Awareness Month

Walang pinipiling panahon ang sakit na dengue, tag-ulan man o tag-araw! Huwag hayaan dumami ang lamok sa inyong lugar. Panatilihin ang kalinisan sa ating tahanan.

Ang dating 4S Kontra Dengue, lalong pinatibay! Mag-5S na!

✅ Search and destroy mosquito breeding places tulad ng mga lumang gulong, paso, balde at drum

✅ Secure self-protection tulad ng pantalon, long sleeved na damit, at mosquito repellant

✅ Seek early consultation lalo na kung may sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat at sakit ng kasu-kasuan, at pananakit ng likod ng mata

✅ Support fogging and spraying only in hotspot areas

✅ Sustain hydration lalo na kapag nilalagnat dahil sa dengue

Ang Dengue Nagbabanta!

Mag-5S Para Laging Handa!