DOH Presscon | June 3, 2020
June 2020 | Dengue Awareness Month
Sa gitna ng laban kontra COVID-19, ang lahat ay pinapaalalahanan na sundin rin ang mga paraan upang maiwasan ang iba pang sakit tulad ng Dengue.
Ang DOH CHD - Bicol ay nagpapaalala sa lahat na sundin ang 4S Strategy kontra Dengue - Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok, Sarili ay protektahan laban sa mga lamok, Sumangguni agad sa pinakamalapit na gamutan, at Sumuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak.
Hindi madali maging isang COVID-19 patient. Ngunit sa tulong ng mga taong malapit sa kanya at ng mga frontliner, kinaya ni Dr. Bernabe na harapin ang virus. Payo niya na nakabubuti ang pagkain nang tama, paglilinis ng katawan, at pag-stay at home sa paglaban sa pandemya. Kaya naman ugaliing sundin ang ating mga #NewNormal guidelines!
Saludo kami sa iyo Dr. Donn Bernabe!




